
Sabi ng isang mayamang Tatay sa kaniyang dalawang anak na ikarera yung kanilang mga kalabaw hanggang makarating sa isang malayong bukid. Yung pinakamabagal na kalabaw ang mananalo ng lahat ng kayamanan ng kanilang tatay.
Ang dalawang magkapatid, pagkaraan ng ilang araw na paligoy-ligoy lamang kasama ng kanilang kalabaw, ay nakaisip na magtanong sa isang Nuno sa Punso kung ano ang kanilang dapat gawin.
Nung narining ng magakapatid ang payo nung Nuno sa Punso, mabilisang sumakay sila sa mga kalabaw at mabilisan rin silang kumarera papunta doon sa isang malayong bukid.
Ano kaya ang sinabi ng Nuno sa Punso sa dalawang magkapatid?
Sa silong nila Ambo, mayroong tatlong malalaking kaing. Sa isang kaing, ang tatak ay "Kaimito". Sa susunod na kaing, ang tatak ay "Santol". Sa huling kaing, ang tatak ay "Kaimito at Santol". Alam ni Ambo na ang mga tatak ng mga kaing ay lahat mali (walang tatak na tama). Papaano ni Ambo matatatakan ng tama ang mga kaing kung minsan lang siyang kukuha ng nilalaman sa iisang kaing para tingnan ito?
Tatlong bagong salta ang nag "check-in" sa Maipis Sheraton. Nagbayad ang tatlo ng $30 sa Manadyer ng hotel at pumunta sa kinilang kwarto upang magpahinga. Naalala nung Manadyer na may "Weekly Special" ang Maipis Sheraton nung linggong yun at ang bayad sa kwarto ay $25 lang. Madaling tinawag ng Manadyer yung "bellboy" at binigyan niya ng $5 upang isoli sa tatlong bagong salta. Habang papunta ang "bellboy" sa kwarto nung tatlo, naisip niya na mahirap hatiin sa tatlo ang $5 kaya binulsa na lang niya ang $2 at binigyan ng tigitigisang $1 ang tatlong bagong salta.
Repaso: Bawat isa sa bagong salta ay nagbayad ng $10 at nasuklian ng $1. Kung ganoon, bawat isa sa bagong salta ay nagbayad ng $9 kaya ang bayad ng tatlo ay $27. Ang ibinulsa ng "bellboy" ay $2. Pag pinagsama ang $27 na bayad ng tatlo at ang $2 na ibinulsa ng "bellboy", $29 ang lahat.
Nakanino ang natitirang $1?
Sa tren na Bicol Express, bawal magsakay ang mga pasahero ng mga gamit na ang haba ay humihigit sa 36 inches. Papaano naisakay ni Mang Pidong ang kaniyang mobile radio antenna na ang sukat ay 42 inches ang haba?
Ilang bulaklak ang nakatanim sa halamanan ni Ka Isko kung lahat ay sampaguita liban sa dalawa, lahat ay rosal liban sa dalawa, at lahat ay kampuput liban sa dalawa?
Balak nung isang Sultan sa Sulu na upang dumami ang mga babae na pwedeng pagkunan para sa kaniyang "harem", kaniyang paiiralin ang bagong batas na magbabawal sa kababaihan na manganak pang muli pagkatapos nilang manganak ng lalaki. Ayon sa batas na iyon, hanggat hindi nanganganak ng lalaki ang isang babae, pwedeng magbuntis at manganak muli ang babae. Ang paliwanag ng Sultan, "Ayon sa bagong batas, pwedeng magkakaroon ang mga babae ng mga anak na tatlong babae at isang lalaki, walong babae at isang lalaki, o kaya isang lalaki lamang. Kapag sinunod ng lahat itong aking bagong batas, dadami ang bilang ng mga babae sa lalaki.
Mangyayari ba ang balak ng Sultan kapag pinairal niya ang kaniyang bagong batas?
Nung mamatay si Kaka Berto, isang mamamastol ng kambing, pinaghati-hati niya ang lahat ng kaniyang ari-ariang kambing sa kaniyang tatlong anak sa pamamagitan ng isang testar. Base sa testar ni Kaka Berto, 1/2 ng lahat ng kaniyang mga kambing ay mapupunta sa kaniyang panganay na anak, 1/3 sa kaniyang pangalawang anak at 1/9 sa kaniyang bunsong anak.
Nung mamatay si Kaka Berto, 17 ang kaniyang mga kambing.
Problema! Wika ng panganay niya: Papaano ako makakakuha ng 8 at 1/2 na kambing. Papaano ko kukunin ang kalahating kambing? Wika nung ikalawang anak: Papaano ko makukuha ang 5 at 2/3 na kambing. Papaano ko kukunin ang 2/3 na kambing? Ganoon din ang tanong ng bunsong anak: Papaano ko kukunin ang aking parte na 1 at 8/9 na kambing? Ano ba ang 8/9 na kambing?
Nang bumisita ang isang kumpare ni Kaka Berto na mamamastol din ng kambing, tinulungan niyang paghati-hatian ng magkakapatid ang 17 kambing. Ano ang ginawa ng kumpareng mamamastol ni Kaka Berto at tunay na napaghati-hatian nga ang 17 kambing?
Ano ang Payo ng Nuno sa Punso?
Magpalitan ang magkapatid ng kanilang kalabaw.
Papaano Tatatakan ng Tama?
Tandaan natin na lahat ng kaing ay mali ang tatak. Kung ganoon, kailangang kumuha si Ambo sa kaing na natatakan na "Kaimito at Santol".
Kung kaimito ang kaniyang makuha, ang kaing ay kailangang tatakan ng "Kaimito". Kung ganoon, ang kaing na mali ang pagkatatak na "Kaimito" ay naglalaman ng santol at ang kaing na mali ang pagkatatak na "Santol" ay kailangang naglalaman ng kaimito at santol.
Kung ang makuha ni Ambo ay santol, ang kaing na iyon ay naglalaman at kailangang tatakan ng "Kaimito". Malalaman rin ni Ambo na ang kaing na natatakan na "Santol" ay kinakailangang naglalaman ng kaimito at ang kaing na natatakan ng "Kaimito" ay kailangang naglalaman ng kaimito at santol.
Nakanino Yung Natitirang $1?
Bawat isa sa bagong salta ay nagbayad ng $9 kaya $27 para sa tatlo. Nasa Manadyer ang $25 at sa "bellboy" ang $2. Yung $2 ng "bellboy" ay kailangang idagdag sa $25 nung Manadyer; o kaya, ibawas sa $27 nung tatlong bagong salta. Hindi dapat idagdag ang $2 nung "bellboy" sa $27 na ibinayad ng tatlong bagong salta.
Paano Naisakay ni Mang Pidong?
Bumili si Mang Pidong ng tampipi na ang sukat ay 24 inches ang taas at 36 inches ang haba at inilagay niya ang kaniyang mobile radio antenna sa loob ng kaniyang tampipi na pahalang.
Ilang Bulaklak sa Taniman ni Mang Isko?
Tatlo: sampaguita, rosal at kampuput.
Magkatotoo Kaya ang Balak ng Sultan?
Hindi mangyayari ang balak ng Sultan. Tingnan natin ang lahat ng mga ina na iisa ang anak; kalahati ng kanilang mga anak ay mga babae at kalahati ay mga lalaki. Ang mga ina ng mga anak na babae ay manganganak muli at sa lahat ng mga susunod na anak ng mga ito, kalahati ay mga lalaki at kalahati ay mga babae. Sa mga babaeng may anak na babae (kaya pwede ulit manganak ang mga ito), ang susunod na mga anak nito ay kalahati ulit ang mga lalaki at kalahati ang mga babae. Kahit na ilang beses manganak ang mga kababaihan (basta sumusunod sila sa bagong batas ng Sultan), ang dami ng bilang ng mga lalaki sa mga babae ay mananatiling isa't isa.
M|Ano ang Gagawin para Bumalik?
Ihagis ang bola ng matuwid na pataas.
Paano Paghahati-hatian ang mga Kambing ni Kaka Berto?
Ipinahiram ng kumpare ni Kaka Berto ang 1 sa kaniyang mga kambing sa tatlong magkakapatid. Tuloy, naging 18 lahat ang kambing (ang dating 17 ni Kaka Berto at ngayon ay nadagdagan ng 1 nung kumpare ni Kaka Berto). Gawang 1/2 ng lahat ng kambing na ngayon ay 18 na, 9 na kambing ang napunta sa panganay. 1/3 ng lahat ng kambing na ngayon ay 18, bale 6 na kambing ang napunta sa ikalawang anak. Ang 1/9 ng lahat ng kambing na ngayon ay 18 na, bale 2 kambing ang napunta sa bunsong anak. Pagkatapos na napaghati-hatian ang mga kambing, binawi ulit ng kumpare ni Kaka Berto ang 1 niyang pinahiram na kambing.
Back to PNB New York's Cyberlounge